Noon At Ngayon
'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna
Nung unang panahon ang babae kung manamit
Para silang suman halos wala kang masilip
At kung lumakad ay parang patong kumekendeng
Kung susuriin mo'y kagalang-galang ang dating
'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna
Ngayon naman kung manamit ibang kababaihan
Halos kita mo na pati kanilang kaluluwa
Kaya tuloy manyakis ay laging nag-aabang
Kinabukasan ay laman ka ng pahayagan
'Lo! Bakit ang buhay ngayon
Kabataa'y unti-unting nalululong
Sa masasamang estilo
Lola tulungan n'yo naman sila
Nung unang panahon ang lalaki kung manligaw
Nanghaharana pa o kaya'y naninilbihan
At kung gustong bumingo o kaya'y makasiguro
Hahawak sa kamay tiyak kasalan na iyan
'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna
Ito naman ngayon ang gimik ng kalalakihan
Disente ang dating pero manyakis din naman
At kung manligaw ay ayaw nang natatagalan
Dahil ang katwiran ay marami pa naman diyan
'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna
'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna
En Popüler Şarkı Sözleri
- Ankaralı Coşkun - Ankara'nın Bağları
- Shakira - Whenever, Wherever (Türkçe Çeviri)
- Elif Buse Doğan - Sen Bir Aysın
- Michael Buble - L.O.V.E. (Türkçe Çeviri)
- Lady GaGa - Bad Romance (Türkçe Çeviri)
- Billie Eilish - Happier Than Ever (Türkçe Çeviri)
- Ferdi Tayfur - Bana Sor
- Def Leppard - Pour Some Sugar On Me
- Neşet Ertaş - Haydar Haydar
- Michael Buble - It's A Beautiful Day (Türkçe Çeviri)
- Neşet Ertaş - Yolcu
- Queen - We Will Rock You (Türkçe Çeviri)
- Modern Talking - Cheri Cheri Lady (Türkçe Çeviri)
- Beyonce - Naughty Girl
- Diyar - Rindeka Dersimi (Türkçe Çeviri)
- Meksika - Koşu Arkası Hayatlar
- Kızılırmak - Makbuldür
- Almora - Cehennem Geceleri
- Uygar Doğanay - Ben Sana Yandım
- Demet Akalın - Nasip Değilmiş